"MAGPAPANGGAP ka lang naman bilang ako, e." "Ayoko nga, Nancy. Bakit ba hindi mo maintindihan na ayoko nga?" nakukulitan man sa kakambal ay mahinahon niyang sabi. "Ang damot damot mo naman, Ninia. Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa 'yo, e," ani ng kakambal na kapagdaka'y naging mabalasik ang mukha. Gusto sana niyang soplahin ang kakambal. Gusto niyang sabihin dito na kung bibilangin niya ang pabor na nagawa niya rito ay baka Hindi kasya sa mga daliri niya sa kamay pero nanatili siyang mahinahon. "Nancy, kahit sino ang kausapin mo tungkol diyan sa plano mo ay hindi papayag. Meron ba namang matinong asawa na gustong bigyan ng bagong asawa ang Mister niya? And worst, kakambal mo pa." Tinalikuran niya ito pero nang muli siyang humarap ay nakaluhod na sa likuran niya ang kapatid. "N-Nancy.

