Chapter 91

1271 Words

MARAHANG humakbang palayo sa pinto ng kubo si Ninia. Nanaog siya sa tatlong baitang na hagdanan ng kubo at naglakad papunta sa dalampasigan. Naupo siya sa batuhan na paborito nilang upuan ni Brix kapag hapon na at palubog na ang araw. Matapos niyang marinig ang seryosong pag-uusap ng mag-ina, nagkaroon ng pagtatalo sa kanyang isipan. "Brix, ayoko rin namang malayo sa 'yo. Siguro ay iyon din ang dahilan kaya ayokong piliting alalahanin ang nakaraan ko. Takot din akong harapin ang katotohanan." Ngunit sa pagkakatitig niya sa malawak na karagatan, may malalabong anag-ag na naman ng mga aninong gumagalaw ang gumitaw sa kanyang balintataw. Mariin siyang napapikit upang putulin ang puto-putol na alaala. Ngunit sa kanyang ginawa, lalo lang lumiinaw sa kanya ang mga pamilyar na mukha at eksena.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD