MADALING-ARAW ay paalis na si Brix sa kanila upang pumalaot kasama Sina Berting at ang iba pang taga-isla. Nang silipin niya si Ninia sa silid nito ay mahimbing itong natutulog. Marahan siyang humakbang papasok at naupos sa gilid ng papag. Pagkuwa'y masuyo niyang hinaplos ang mukha nito. "Ninia, mahal ko. Kung ako lang ang masusunod, ayoko sanang malayo sa 'yo kahit isang saglit. Baka pagbalik ko ay wala ka na sa buhay ko. Pero kailangang harapin ko ang lahat. Kailangan kong magsikap upang kahit paano ay makaagapay ako sa kalagayan mo sa buhay." Bahagya siyang yumukod upang gawaran ng halik ang natutulog. Nang lumabas siya ng silid na iyon ay minsan pa niyang kinuha sa pinagtaguan ang diyaryong dala ng ina kahapon. Ninia Ocampo, isang batang entrepreneur, Isang buwan ng nawawala. Iyon

