"WALA kaming kakayahang magkaroon ng anak ng Daddy mo, Ninia. Ilang taon na kaming sumusubok. Lahat ng payo ng OB GYNE sinunod na namin. Pero wala talaga. Na-depress ang Mommy mo. Hanggang umabot sa puntong hindi ko na siya nakakausap. Palagi siyang umiiyak. Palaging tulala. Kaya pagkatapos ng limang taon naming paghihintay, tinanggap namin sa sarili na kailangan na naming mag-ampon. Alam naming mahirap pero gusto rin namin ng Mommy ninyo na may makasama rin naman kami sa buhay, lalo na sa pagtanda namin. Sa Isang kumbento sa Malolos Bulacan namin kayo nakuha ni Nancy. Ayon sa mga madre, iniwan kayo sa labas ng kumbento na ang tanging mayroon ay ang mga first name ninyo na nakasulat sa baby bracelet na nasa parehong kamay ninyo ni Nancy. Dahil doon kaya hindi na rin namin kayo pinalitan ng

