ALAS kwatro y medya ay iginiya na siya ni Aya palabas ng suite nila ni Mica. Ang kaibigan ang siyang katulong ni Aya sa pagbuhat ng mahabang trail ng kanyang damit. Nahihiya tuloy siya kay Mica. Pareho lang silang bridesmaid pero nagmukhang assistant niya ang kaibigan ng wala sa oras. Kung bakit naman kasi kailangan pang lagyan ng ganito kahabang buntot ang kanyang damit! "Okay, this is it! Wait, ikabit na natin 'to." Napalingon siya rito para makita ang tinutukoy ng bakla. Pero nangunot ang kanyang noo nang makitang mahabang veil pala ang ibig sabihin ni Aya. Nainis na siya bigla. Wala kasi siyang makitang dahilan kung bakit kailangan pang magsuot siya noon samantalang si Mica naman ay wala. "Wait, bakit kailangan pa 'yan? Look, hindi ko na gets 'to. Bakit may ganyan pa?" Bakas na ang

