MATAPOS ang kasal sa tabing dagat ay dumiretso ang lahat sa pinamalaking private villa kung saan gaganapin ang reception. Kung namangha siya sa ganda ng ayos ng mga bulaklak sa wedding venue nila sa dalampasigan, mas lalong nabusog ang mata niya sa mga nakikita niya ngayon sa loob ng villa. Kulang na lang ay humalo ang mga paborito niyang bulaklak sa mga mamahaling pagkaing naroon at nakahain para sa lahat. Muli ay parang gusto niyang maiyak. Hindi niya alam kung paanong nagawa ni Alexis ang lahat ng ito ng hindi man lang hiningi ang tulong niya pero kuhang-kuha nito ang lahat ng detalyeng gusto niya sa araw ng kanyang kasal. Magmula sa venue kung saan niya gustong mag-isang didbib sila, sa tabing-dagat na gusto niyang mag-I do sila ni Alexis habang papalubog ang araw, hanggang sa mga pabo

