Chapter 120

1950 Words

GABI na pero pareho silang hindi dalawin ng antok ni Alexis. Sa tuwing bubuksan niya ang mga mata ay mahuhuli niyang nakatitig ito sa kanya at ganoon din naman siya. Sa huli ay magkakatawanan lamang sila at mas lalong mawawala ang mga antok. Ewan niya kung bakit pero siguro ay dahil sa labis niyang kaligayahan kaya hindi siya kaagad makatulog. Sa bahay naman nila ay hindi siya sanay magpuyat. "Bakit ba hindi pa tayo matulog, Babe?" Nagawa niyang itanong kahit pa siya sa sarili niya ay ayaw rin naman talagang matulog. Nakakapagod ang maghapon para sa kanilang dalawa pero dala marahil ng sobra-sobrang kasiyahan ay hindi niya magawang antukin. Hindi pa rin ganap na nag-si-sink in sa kanyang isip na siya ngayon ay asawa na ni Alexis. Ina ng bayan ng San Miguel at isa ng ganap na Villarubin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD