"MGA manunulat ho kami. Susubukan ho naming magsulat dito sa tahimik ninyong lugar," pahayag ni Ninia habang kumakain sila ng hapunan. "Naku, aba't talaga ba? Mabuti naman at bago man lang ako mamatay ay makakasalamuha ko ang dalawang manunulat," masigla ng wika ni Aling Ibyang. Kahit paano ay nakahinga na siya ng maluwag. Makuwneto na ang matanda hindi gaya kanina. Mukhang naniniwala naman ito sa mga tinatahi nilang kwento. Ngunit kahit hindi kumikibo, si Brix na patuloy lang sa pagkain, hindi niya maintindihan kung bakit naiilang pa rin siya. "Maraming salamat ho talaga sa pagtanggap ninyo sa amin. Hindi ho namin alam kung saan kami pupunta kanina," sabi ni Alexis habang buong ganang kumakain kahit pa hindi niya alam kung kumakain ba talaga ito ng pagkaing nakahain sa kanilang harapa

