ILANG sandali ng tapos magsalita si Ninia ay nakatitig pa rin dito si Brix at kitang-kita iyon ni Alexis. May kung ano siyang naramdaman sa klase ng pagkakatitig nito sa dalaga. At sigurado siya, hindi awa ang nanaig kay Brix kaya sila pinatuloy sa bahay ng mga ito. Kinukutuban siyang dito nga napadpad noon si Ninia at bahagi ng nakaraan nitong hindi matandaan ang binata. "Pare, baka matunaw naman si Ninia sa klase ng titig mo," hindi napigilan niyang sabi. Aywan niya pero gusto niyang magselos sa klase ng titig nito sa dalaga. "P-pasensiya na, Pare. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nangyayari talaga sa totoong buhay 'yung nangyari kay Ninia. Na hindi niya matandaan ang mga nangyari sa kanya sa nakalipas na isang buwan." "Pero totoo ang---" "Naniniwala ako sa 'yo. Pero, hi

