"MAS lalo mo na kaming iiwan ng Daddy mo niyan, anak. Maganda pala ang buhay mo sa mga totoo mong magulang. Kaya nilang ibigay ang mga bagay na hindi namin naibigay ng Daddy mo sa 'yo," sabi ng Mommy niya nang sabihin nila dito ni Alexis na malapit na nilang makita ang tunay niyang mga magulang. Dama niya ang pag-aalala ng kanyang ina. Ramdam niya ang takot nito bagay na naiintindihan niya. Kung iyon lang ay hindi naman siya nagmukhang kawawa sa Mommy at Daddy niya noong bata pa sila ni Nancy. Hindi naman sila naghihikahos kaya kahit paano naman ay naibigay din ng mga ito ang luho nilang magkapatid noon. At kahit kailan ay hindi niya naramdamang kulang siya sa pagmamahal, bagay na para sa kanya ay pinakaimportante sa lahat. Kahit minsan ay hindi niya nahiling na sana ay may mas mayaman s

