Chapter 100

1763 Words

KUNG may nasaktan man dahil sa isiniwalat ni Aling Ibyang, iyon ay walang iba kung hindi si Brix. Lumikha ng pagdurugo sa kanyang kamao ang ginawa niyang pagsuntok sa poste ng ilaw papunta sa dalampasigan. Sobrang sakit para sa kanya ang katotohanan. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa babaeng itinuring niyang ina ng mahabang panahon. Ang Inang niya na mahal na mahal niya higit pa sa kanyang buhay. Buong buhay niya ay ito na ang kasama niya pero may tunay pala siyang pamilya na matagal na panahon na rin siyang hinahanap. Hindi rin niya alam kung matatawa o maiiyak dahil sa katotohanan na ang kaisa-isang babaeng natutunan niyang mahalin at nagpatibok sa kanyang puso ay kapatid pala niya. Daig pa niya ang pinagsukluban ng langit at lupa. Kakaibang biro ang ginawa sa kanya ng tadhana.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD