KANINA pa tulog si Ninia sa tabi niya ay hindi pa rin maalis sa maamong mukha nito ang tingin ni Alexis. Gustong-gusto niyang haplusin ang makinis na pisngi ng dalaga pero ayaw niyang maabala ito sa pagtulog, kaya nagkasya na lamang siya sa pagtitig sa magandang mukha nito. Nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso niya dahil sa wakas ay nagka-ayos na sila ni Ninia. At gagawin niya ang lahat para hindi na sila muling magkasira pa ng babaeng pinakamamahal. May plano na siya. Oras na mahanap ni Ninia ang totoo nitong pamilya ay magpo-propose na siya sa dalaga. Pakakasalan na niya ito dahil iyon naman talaga ang gusto niya. Kung noon ay nagpapatumpik-tumpik pa siya dahil nawalan siya ng sampalataya sa salitang kasal bunga ng nangyari sa unang asawa, ngayon ay wala na siyang pag-aalinlangan pa. Naib

