KAAGAD nakakuha ng taxi si Ninia paglabas ng cafe. May ngiti sa mga labi niya habang lulan ng taxi. Natutuwa siya at ligtas na sa kapahamakan si Travis. Siguro ay inadya talaga ng pagkakataon para makaligtas ito at magkita-kita pa silang magkakapatid gayundin ng mga tunay nilang magulang. Masayang-masaya siya. Hindi pa man ay na-i-imagine na niya ang magiging pagtatagpo nila ni Travis. Higit sa lahat ay hindi na siya makapaghintay na dalhin siya nito sa mga totoong magulang. "Kuya, sa Makati Med. po tayo," aniya sa driver. Sa likod siya umupo at noon lang niya napansing may sakay na isa pang lalake sa passenger seat sa tabi nito. Naisip niyang marahil ay hindi niya iyon napansin kanina dahil sa excitement na nararamdaman niya kaya noon lang niya iyon napansin. "Sige po, Ma'am," kaswal

