KUNG namangha si Ninia sa ganda ng bahay sa labas ay mas lalo siyang natulala sa uri ng disenyo nito sa loob. Ang mga muwebles at mga kasangkapang nakikita niya roon ay sigurado siyang mamahalin at ang iba pa nga ay noon lamang siya nakakita. Siguro ay sa ibang bansa pa binili ang mga iyon kaya hindi siya pamilyar. Walang duda na kung sino man ang nagmamay-ari ng bahay ay talagang napakayaman. "Maiwan na ho namin kayo rito, Miss Ninia," anang driver ng taxi kanina. Kasalukuyan siyang nakatayo sa maluwang na sala na katumbas yata ng dalawang buong bahay nila, at iginagala ang paningin habang palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Bigla siyang naalarma. Ngayon ay nasigurado na niyang walang balak na masama sa kanya ang dalawang lalakeng kasama niya sa taxi kanina. Ni hindi siya ki

