"NICE meeting you, Ma'am, Sir." Matapos maipakilala ang sarili ay inilahad ni Alexis ang palad sa kanyang amang si Gustavo. Sinagot niya ang tawag nito kanina at sinabi rito kung nasaan siya. Gaya ng inaasahan ay alalang-alala ito. Pareho rin kasi ng naisip niya noong una ang naisip ni Alexis. Na baka masasamang tao ang mga ito at nagpapanggap lang pala na mga magulang niya, pero kaagad ding naniwala ang alkalde nang ganap ng kaharap ang mag-asawa. Anito ay hindi maikakaila na mag-ina sila ni Carmelita dahil malaki ang pagkakahawig nila ng ina. "Ikinagagalak ka naming makilala, Mayor Alexis Villarubin." Nakangiti si Gustavo nang tanggapin ang palad ni Alexis. Pero nagkatinginan silang dalawa dahil kung magsalita si Gustavo ay tila kilalang-kilala si Alexis. Waring nabasa naman nito ang p

