"SWEETHEART, bakit nga parang wala ka sa sarili mo kanina noong nasa stage tayo? I'm sorry pero upset kang masyado, kitang-kita ko 'yon sa mga mata mo. Hindi lang kita masyadong pinansin dahil nasa meeting tayo," tanong ni Alexis habang nasa loob sila ng mall para ibili ng pasalubong si Margaux. Mabagal lamang silang naglalakad at nakakapit siya ng isang braso ng asawa. Hindi na sila kumain dahil busog na busog sila sa salo-salong ipinahanda ni Alexis sa Lovely Park San Miguel. Doon nananghalian ang Bise Presidente at ang iba pang kasama sa pagtitipong iyon. Gusto sana ng Mama nito na sa bahay ng mga ito iyon gawin pero ayaw ni Alexis. Hangga't maaari daw ay gusto nitong mananatiling pribado ang bahay nila lalo na at nandoon na ngayon si Margaux. Kasama nila ang mga bodyguards nito pero ma

