Chapter 87

1693 Words

HINDI mapigilan ni Alexis ang damdamin nang ganap na makita ang kalagayan ni Travis sa ospital. Pinuntahan niya ito pagkatapos itawag sa kanya na natagpuan na ito pero naka-coma naman ang binata. Gusto niyang maiyak sa nakitang kalagayan nito. Hindi sa ano pa man pero kung ganito ang sinapit nito ay ano pa kaya si Ninia? Hindi niya kayang isipin na ganito din ang sinapit ng dalaga at wala man lang siyang nagawa. Isa pa ay kung nasaan na kaya ito ngayon. Ayon sa imbestigador niyang si Arvin ay sa isang isla sa Leyte nakita si Travis. Nakita ito ng coastguard na palutang-lutang sa dagat habang ang katawan ay nakasampa sa isang tabla. "Saan mo dinala si Ninia, Travis? Gumising ka na, please," hindi nakatiis na sabi niya sa walang malay na lalake. Kung magigising lang ito kapag pinitsarahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD