"NASAAN na tayo, Travis?" ani Ninia nang bumaba sila ng kotse ng binata at humantong sa isang baybayin na maraming nakaabang na lantsa. "Papunta tayo sa isla Matubig, Ninia. Doon natin makikita ang mga nagsasabing magulang mo," sagot nito habang inaalalayan siya nitong maglakad sa mabatong daan papunta sa hilera ng mga lantsa. Sa di-kalayuan ay nakaabang naman ang sa tingin niya ay mga may-ari ng mga iyon. Nilapitan ng isang matabang lalake si Travis. "Boss, saan ba ang punta n'yo?" maangas nitong tanong. Kinabahan siya bigla dahil dayo lamang sila sa lugar. Baka kursunadahin sila rito ay wala silang kalaban-laban. "Papunta kami sa isla Matubig, pare. Saan ba kami pwedeng sumakay para pumunta doon?" ani ng binata na nakangiti ng bahagya sa lalake. "Anong gagawin n'yo doon? Delikado s

