Alas syete ng umaga nang magising ako. Tulad ng kinagawian kong gawin ay nagluto ako’t maagang maligo. Hindi na ako makapaghintay na makitang muli si Vince sa opisina. Sa tatlong araw naming pagsasama sa resort ay doon ko nalamang may pagtingin ng apala ako sa kanya. Kung pwede lang patigilin ko ang oras at manatili pa nang matagal sa islang iyon ay ginawa ko na. Gusto ko pang makasama si Vince nang matagal at kung pwede ko lang siyang angkinin nang tuluyan at huwag nang pakawalan ay ginawa ko na. Sa mga pinagsasabi ni Vince nitong nakaraang araw ay hindi ko maiwasang umasa. Umasa na sana sa huli ay may mabubuong “Kami”. Na sana sa huli ay magbunga ang mga bagay na aming pinagsaluhan nitong mga nagdaang araw. Hindi ko inakalang sa katayuan kong ito ay may isang Vince Montemayor na magp