KABANATA 25: MULA PA KANINANG dumating sila, hindi na ako kumikibo. Sumusunod lang ako kay Matias. Ipinaghain ko sila ng pagkain at naupo kami ni Mommy Giselle sa hapag-kainan habang kumakain silang dalawa. Mommy Giselle kept on asking about what happened but none of them answered her properly. Puro oo at hindi lang ang isinasagot, walang proper explanation. Hanggang sa isang tanong ang nagpabago sa atmosphere ng paligid. “Hindi ba talaga ikaw ang may gawa?” tanong ni Mommy Giselle. Demetrious stopped in the middle of eating. Tila nairita yata ito nang marinig ang tanong na iyon. Galit na nag-angat ng tingin si Demetrious habang kunot na kunot ang noo. “How dare you asked me that kind of question, Giselle?” Mommy Giselle’s face started to get scared. “H-hon, kasi natatandaan k-kong l

