“Papa!” malakas na sabi ni Hannah na ikinangiti ni April habang nakaupo sa couch at pinapanood ang anak ni Hailey na nakatayo sa tapat ni Gerald na hinuhubad ang sapatos nito bago nagmano si Hannah. “Ano ka ba naman, Hannah? Kakagaling pa lang sa trabaho ng Papa mo. Baka puwedeng paupuin mo muna,” may sarkasmong sabi ni Hailey na galing sa kusina bago ito umupo sa tabi ni April. “Okay, Mama,” inosenteng sagot ni Hannah bago nito kinuha ang dala-dalang attache case mula kay Gerald at tumakbo sa direksyon kung nasaan ang maliit na office ni Gerald. Napatingin si April kay Hailey nang marinig ang malalim nitong pagbuntong-hininga bago ito tumingin sa kaniya. “Kailan kaya makakaramdam ng sarcasm ang anak ko? Masama naman ang ugali ng Mama niya,” ani Hailey na ikinatawa ni April. “Ang