SUMILAY ang malapad na ngiti mula sa mga labi ni Ahnia nang magsalubong ang mga mata nila ni Conrado. Tumango lamang si Conrado, hindi gaanong binigyan ng pansin ang ngiti ng dalaga, saka inilapag sa ibabaw ng mesa ang platong pinaglalagyan ng piniritong itlog at ilang hiniwang kamatis. "Tulog mantika ka kaya ako na ang nagluto. Bukas gumising ka nang maaga," may halong pangungutyang turan ni Conrado bagay na ikinasimangot ni Ahnia. "Maliligo lang ako sandali," paalam na lang ng dalaga na mabilis niyang ikinakunot ng noo. "Mauuna na akong kumain." Hindi siya gentleman para hintayin pa itong matapos bago kumain. Gutom na siya kaya mauuna na siya. "What?" natigilan si Ahnia sa sinabi niya. Huminto ito sa bungad ng nakabukas na pintuan at tumitig sa kaniya. "Ngayon ang unang araw ko sa t