"HI, Ineng! Ako nga pala si Nadya." Kasalukuyang nakatayo sa tabi ng daanan ang dalagang si Ahnia habang nakatingin sa bahay ng tiyo ni Conrado nang bigla siyang lapitan ng isang babaeng sa tantiya niya ay nasa early 30's ang edad. Nakasuot ito ng loose pants at isang bulaklaking blouse. Inabot nito ang kamay at saka ngumiti sa kaniya. "Hello, I'm Ahnia." Matamis siyang ngumiti sa babae at tinanggap ang kamay nito. "Napakaganda mo pala talaga, lalo na sa malapitan. Sino sa inyo ng asawa mo ang kamag-anak ni Gado? Ang asawa mo ba?" Bahagya siyang natigilan sa tanong ng babae. Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. "He's not my asawa, we're not married." Napatango-tango naman si Nadya at bahagyang ngumiti. "Ah, magjowa!" patuloy ang pagtango nitong turan. Muli siyang