NAKAUPO ang dalagang si Ahnia sa tapat ng tindahan ni Nadya at masayang kumakain ng halo-halo. Natatawang lumapit sa kaniya si Nadya at binigyan siya ng ilang slice ng bread na ang flavor ay ube. "Tikman mo iyan, Ahnia. Paniguradong magugustuhan mo. Paborito iyan ni Romana ko, e." Tumigil siya sa pagsubo at nilingon ang babae na ngayon ay may malapad na ngiti sa mga labi. Nakangiti ito pero mababakas ang lungkot sa mga mata nito. Mag-iisang buwan na rin ang lumilipas simula nang mangyari ang malagim na trahedya sa baryo nila. Kahit papaano ay binabawi na ni Nadya ang buhay nito, ngunit paminsan-minsan, nababalisa pa rin. Hindi niya masisisi ang babae. Kung sa kaniya man mangyari iyon ay baka mas malala pa ang maging epekto sa kaniya. Ngumiti siya sa babae at kumuha ng isang slice ng ub