Kabanata 25 |2|

1271 Words

Nagkatinginan sila bago natatawang isinuot ni Ahnia ang daster at sabay silang lumabas. Bumungad sa kanila ang isang babae. Maganda ito, medyo maputi at mahahalata mong hindi nila kapit-bahay dahil na rin sa suot nitong black camisole at white shorts na hindi karaniwang sinusuot ng mga tagaroon. Labas ang cleavage nito at mapuputi nitong mga legs. Itim na itim ang kulay ng mahaba nitong buhok na hanggang baywang. "Hi, ako nga pala si Martina. Bago n'yong kapit-bahay," pakilala ng babae bago ngumiti nang malapad sa kanila. Inabot nito ang kamay kay Conrado na nakangiti namang tinanggap ng lalaki. Napatingin si Ahnia sa kamay ng dalawa. "Ako naman si Conrado." Nilingon siya ng binata at inakbayan. "Nobya ko, si Ahnia." Hindi nakipagkamay sa kaniya ang babae, sa halip, ngumiti lamang ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD