Kabanata 24 |2|

1222 Words

NANG mag-angat ng tingin ay nakita niya ang mukha ng dalaga, malapad itong nakangiti habang tumutulo ang pinaghalong laway at dugo mula sa bibig. Doon napagtanto ni Soliman na hindi isang tao ang kaharap, isa itong halimaw. Ito ang halimaw na pumapatay! Ang halimaw na pumatay sa mag-ina at kaibigan niya. Sumigaw siya nang malakas at binunot ang itak mula sa likod at agad na pinatama sa paa ng babae. Humiyaw nang malakas si Mariah ngunit agad itong nakabawi. Sinampal nito nang malakas si Soliman dahilan upang tumapon ang lalaki sa malayo. Tumingala si Mariah at sumigaw. Matapos niyon ay mabilis na sinugod ang lalaki. Hinanda naman ni Soliman ang sarili. Mahigpit nitong hinawakan ang itak at itinaas sa ere. Sa pagsalakay ng babae ay naunahan niya ito at pinatamaan ng itak sa isang braso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD