Kabanata 14 |2|

1298 Words

Napalunok ang lalaki. "A-ano'ng ginagawa mo?" Kumalas ang babae sa yakap bago itinaas sa ere ang kamay. Dumapo iyon sa kaniyang pisngi at hinaplos ito. "Nalulungkot ako," malambing nitong bulong habang nakatingin sa kaniya nang mariin. Tila siya nawala sa sarili habang nakatitig sa namumungay na mga mata ng dalaga. "Nalulungkot ako, Berting. Paligayahin mo ako," muli nitong wika mula sa nanlalambing na tinig. "P-paano?" Lango na ang isip ng lalaki sa alak. Hindi na nagrerehistro ang nangyayari sa utak niya. Umaayon na lamang siya sa gustong gawin ng babae. Tumingkayad si Mariah at pumikit bago ipinaglapat ang mga labi nila. Si Berting naman ay biglang namilog ang mga mata. Ramdam na ramdam niya ang mainit at malambot na labi ng babae. Nabitiwan niya ang hawak na bote bago hinawakan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD