Kabanata 15

1140 Words

NAPASINGHAP ang karamihan sa mga taong nakarinig sa nakagigimbal na balitang hatid ng lalaki. Bakas ang takot sa mukha ng bawat isa. Kabilang na rito ang babaeng nakasagutan pa ni Berting kagabi, si Nadya. "Diyos ko! Ano raw ang nangyari?" tanong ng isang babae, lumabas pa ito ng bahay upang makitsismis sa mga kalapit-bahay. "Katulad ng dati, said na ang dugo at nawawala rin ang mga laman-loob!" hilakbot na sagot ng lalaking nakakita ng bangkay ni Berting. Maraming bulong-bulungan kung saan manananggal ang sinisi at tinutukoy ng mga tao na may kagagawan sa nangyari. Ngunit hindi na iyon binigyan pansin ni Conrado. Mabilis siyang lumabas ng bakuran ni Gado at nilapitan ang lalaki. "Saan natagpuan ang bangkay?" agaw niya sa atensiyon nito. Itinuro ng lalaki ang dulong bahagi ng baryo. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD