MATAGAL nang nakatulala si Conrado habang nakatitig sa manipis na pader ng kubo. Pasado alas-sais na ng gabi. Kanina pa ayaw mawala sa isip niya ang sinabi ni Gado tungkol kay Mariah. Labis niyang ipinagtataka kung bakit pinapaiwas siya ni Gado rito. Hindi rin mawala ang pag-aalala niya para sa dalaga. Sa dami ng nangyayaring kababalaghan sa gubat, mga nakadroga man o manananggal ang dahilan ng mga ito, hindi na ligtas pang manatili sa loob. Hindi siya makampanti kung tama ba ang desisiyon niyang pabayaan na lamang ang babae. "Kuya Conrado, ano ba!" Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang boses ni Ahnia. Nakatayo ito sa bungad ng pintuan nito habang nakatitig sa kaniya. Ilang beses siyang napakurap bago nakabawi. "Bakit?" Sumimangot ang dalaga matapos niyang itanong iyon. "Kanina pa