"KAYO na ba?" Natigilan si Conrado matapos marinig ang tanong ni Gado. Matagal niya itong tinitigan bago binigyan ng isang ngiti. "Hindi ho, tiyo. Hindi pa kami dahil nililigawan ko pa siya." Mabilis na umiling si Gado bago siya hinawakan sa balikat. Bahagya itong lumapit sa kaniya at bumulong. "May patago-tago ka pa sa akin noon, bibigay ka rin pala!" Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. Mula sa lalaki ay nalipat ang tingin niya sa tatlong babae na nakatingin sa kanila. Sigurado siya na ito ang mga nakakita at nagsumbong sa Tiyo Gado niya. "Isang tingin pa lang, alam ko nang may gusto ka kay Ahnia. Ingatan mo siya." Tinapik pa siya nito sa balikat. Tumango siya sa lalaki bago ngumiti. "Oo naman, tiyo." Matapos ng naging pag-uusap nila ay nagpaalam na rin ito agas at muli niyang