Pakiramdam ni Conrado ay nag-iinit ang buo niyang mukha—at pati katawan. Kung dahil ba sa kadahilanang nasa tabi niya ang dalaga o baka dahil sa nakita kanina ay hindi niya alam. Basta init na init ang pakiramdam niya habang katabi ito. Hindi kagaya ng dati na madalas, si Ahnia ang nagsisilbi sa kaniya. Ngayon naman ay pinagsilbihan niya ang dalaga. Siya na ang naglagay ng kanin at piniritong itlog at longganisa sa plato nito. Ipinagtimpla na rin niya ng gatas ang babae. "Hindi ako sanay, kuya," natatawa nitong turan. Natigilan si Conrado nang marinig ang tinawag sa kaniya ng dalaga. Naibaba niya ang hawak na kubyertos at tinitigan ito nang maigi. "Kuya?" ulit pa niya sa sinabi ng babae. Natawa naman si Ahnia. "Sorry, mahal ko. Nasanay kasi akong kuya ang tawag sa iyo." Pinisil niya