Kabanata 21

1273 Words

NAPANGITI si Ahnia nang makita si Conrado habang inaayos nito ang banig na hihigaan nila. Nakabukas na ang electric fan at nakatutok na rin sa kanilang puwesto. "Mahal ko, matulog na tayo," nakangiting anyaya ni Conrado matapos ihayag ang isang kamay. Lumapit siya rito at tinanggap ang kamay nito. Pagkaupo ay hindi muna siya humiga, sa halip ay umunan siya sa balikat ng lalaki habang nakasandal sa manipis na pader at nanatiling ganoon sa loob ng ilang minuto. "Hindi ako makapaniwala," maya-maya ay nag-angat siya ng mukha nang marinig ang sinabi ni Conrado. Nakatingin ito sa kawalan habang nakangiti. "About what?" Malapad siyang ngumiti rito. Binaling nito ang tingin sa kaniya. "Kasama ko ngayon ang mahal ko." Lumapad na rin ang ngiti nito sa mga labi at ginawaran siya ng halik sa noo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD