"Ahnia!" tawag ni Conrado sa pangalan ng dalaga. Nang mabaling sa kaniya ang mga mata ng babae ay mabilis itong natigilan. "Kuya... " narinig niya ang maliit nitong tinig. "Ahnia..." Patuloy sa pagragasa ang mga luha niya habang nakatitig sa mukha nito. Mabilis niyang tinakbo ang espasiyong namamagitan sa kanila. Mas lalo namang napaiyak ang dalaga at nagsimula na ring humakbang upang salubungin siya. Nang makalapit ay agad niya itong ikinulong sa kaniyang mga bisig. Lumakas lalo ang iyak nito habang nakayakap din sa kaniya nang mahigpit. "I'm sorry. Sorry," paulit-ulit niyang sinambit habang yakap ito. "Mahal kita, Ahnia. Mahal na mahal kita," idinaan niya sa pagbulong ang mga salitang matagal na niyang gustong ipagsigawan sa buong mundo. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung sa