ISANG lunok ang ginawa ni Conrado bago mabilis na pumasok sa loob ng purok at agad na hinawakan sa kamay ang dalaga. Natigilan naman ang lahat sa ginawa niya. Napalingon sa kaniya si Ahnia at nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Kinuha niya mula sa babae ang micropono at ibinaba iyon sa mesa. Walang anu-ano'y hinila niya ito palabas mula roon. Hindi alintana ang boteng nabitiwan pa ng babae at nabasag nang mahulog sa lupa. "Hey! W-what are you doing? Let m-me go!" Sa halip na sundin ay hindi niya pinansin ang mga sinabi nito. Halos kaladkarin na niya ito pabalik sa kubong tinutuluyan nila. Nang makapasok naman sa loob ng kubo ay marahas niyang pinaupo ang babae sa papag. Pabalya rin niyang isinarado ang pintuan ng kubo. Napaigik ang dalaga nang maramdaman ang sakit sa pang-upo n