Kabanata 19 |2|

1605 Words

"WALA naman siyang pakialam sa akin," mapait niyang turan. Matapos niyon ay naglakad na siya patungo sa loob ng purok at agad naman siyang pinaupo ng mga tao sa loob. Umupo siya malapit sa karaoke machine banda sa harap. Nagpakilala naman isa-isa sa kaniya ang mga tao roon. Matapos niyon ay niyaya siya ng mga ito na uminom. "Alam mo, iha, ito lang ang tanging kasiyahan namin dito, ang mag-inom," wika ng lalaking nagngangalang Gregor, pinsan ito ng lalaking nakaburol noon sa bahay na bato, si Ramon. "Tama!" sang-ayon naman ni Nando, ang may-ari ng purok at karaoke machine. "Kung hindi namin ito gagawin, baka nasiraan na kami ng bait sa dami ng problema sa baryo natin." Tuluyan nang pumasok sa loob ng purok si Anjo at nag-aalala pa ring naupo sa tabi niya. Bakas din ang pag-aalinlangan s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD