"Hindi ba dapat ako ang magalit? Matapos mong makuha ang gusto mo sa akin, ano'ng ginawa mo? Iniwan mo ako," may himig na pagtatampo sa boses ng dalaga. Natigilan siya at napalunok nang ilang beses. Hindi niya inaasahan ang mga lalabas sa bibig nito. "Umalis ka na, Conrado." Iniwas ng babae ang tingin na para bang hirap na hirap ang kalooban nito habang nakikita siya. "Mariah." Sinubukan niyang lapitan ang babae, pero mabilis itong umiwas. "Aalis ka man ngayon, alam kong sa akin pa rin ang balik mo," matapos nitong sabihin ang makahulugang mga salitang iyon ay tuluyan siya nitong iniwan. Wala namang nagawa si Conrado kundi ang lisanin ang lugar na iyon. Tinungo niya ang bahay nina Carlos kung saan naabutan niya roon ang binatang si Anjo. Ayon sa lalaki ay hindi pa rin daw umuuwi si C