NAALIMPUNGATAN si Ahnia nang marinig ang ingay ng humintong sasakyan hindi kalayuan mula sa kinaroroonan nila. Pagmulat niya ng mga mata ay bumungad sa kaniya ang nahihimbing na mukha ni Conrado. Agad siyang nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi nang maalala ang nangyari sa pagitan nilang dalawa kagabi. Ngumiti siya at muling hinilig ang ulo sa hubad na dibdib ng lalaki. Mabalahibo iyon at siksik sa muscle. Ilang segundo lang ang lumipas ay nagising na rin si Conrado dahil sa ingay ng mga nag-uusap na tao sa labas. Pagmulat nito ng mga mata ay bumungad rito ang bubong ng silid. Nagtaas ng mukha si Ahnia at malambing na binati ang lalaki. "Good morning, mahal ko." Ngumiti pa siya nang malapad. Napangiti naman si Conrado bago ibinuka ang bibig. Wala pa mang lumalabas na salita sa mga labi