"MANLOLOKO!" malakas na hiyaw ni Ahnia. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha sa pisngi niya. Ilang beses na napalunok si Conrado habang nakakuyom ang mga kamay. Iniiwasan nitong magpadala sa emosiyon ngunit makikita naman ang sakit na nararamdaman sa buong mukha, at sa mga mata nitong pulang-pula na sa pagpipigil ng mga luha. "I trusted you! Pinaniwalaan ko ang lahat ng kasinungalingan mo!" Walang tigil sa pagbuhos ang luha sa kaniyang pisngi. Tuluyan siyang napaupo sa semento nang hindi na kayanin ng mga binti niya ang panlalambot nito. Nangangatog ang mga kamay nang pinilit niyang palisin ang mga luhang naglandas sa pisngi. Masakit sa kaniya ang ginawa ng lalaking pinagkatiwalaan at minahal niya nang lubos. Pero mas masakit ang makitang nasa harap niya lang ito, ngunit hindi man lang