Agad na napatingala si Ahnia. Mabilis na sumagi sa isip niya ang babaeng si Mariah. Hindi man niya nakita ang tinutukoy ng lalaki, alam niyang hindi ito namamalik-mata. Kabilugan ng buwan ngayon, kaya sigurado siyang makakapagpalit ng anyo ang babae. Habang palinga-linga si Kaloy sa kalangitan, kinuha iyong pagkakataon ni Conrado upang maagawa ang baril mula rito. "Ano'ng ginagawa mo!" pagalit na sigaw ni Kaloy nang subuking agawin ni Conrado ang hawak nitong baril. Napaatras siya habang pinanonood ang dalawa sa pag-aagawan ng baril. Nariyan ang mabaling sa iba't ibang gawi ang busal ng baril. Agad siyang napahawak sa sariling tiyan nang minsang matutok ito sa kaniya. Malapad na ngumiti si Kaloy nang tapunan siya nito ng tingin. Pilit nitong ibinabaling sa kaniya ang busal. Malakas na