Mabilis na nanginig ang katawan ng babaeng si Ahnia. "Nandiyan na sila." Ang narinig niya ay boses ng isang lalaki. Sa tantiya niya ay papunta na ito sa kinaroroonan nila. "Si Edgar!" mariing bulong ni Conrado. Pinilit nitong tumayo at inalalayan naman niya ito. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya at mabilis siyang hinila patungo sa likuran ng simbahan. Tumigil ito sa pinakadulong parte sa mismong harap ng bintana malapit sa altar. Pinaatras siya ng lalaki. Ganoon na lang ang gulat niya nang malakas nitong suntukin ang salaming bintana. Nang mabasag iyon ay sandali nitong inalis ang natitirang basag na salamin sa bintana. Nauna itong pumasok sa loob bago siya tinulungang makapasok. Agad silang naupo sa sahig at isinandal ang likod sa batong pader. Sa kabila ng takot, hindi niya m