Mabilis na binalot ng takot ang buo niyang sistema. Mahina kapag nasa malapit. Isang nakahihilakbot na hiyaw ang pinakawalan niya nang mawasak ang bintana ng simbahan sa kabilang parte. Kitang-kita niya kung paano pinilit pumasok sa loob ng manananggal habang nakatitig sa kanila. Para bang uhaw na uhaw itong atakihin sila. Napaupo siya at napaatras hanggang sa maramdaman niya ang malamig na bato sa kaniyang likod. Si Conrado ay nanatiling tahimik habang nakatingin sa manananggal. Mabilis na naglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi nang makita ang nakakikilabot na mukha ni Mariah. Malayo sa mukha nito noon. Malayo sa anyo nitong tao. Puno rin ng dugo ang mga labi nito at tumutulo pa mula sa nakabuka nitong bibig ang magkahalong dugo at malapot na laway. Mula rito ay nabaling ang tingin