Agad na itinaas ni Conrado ang isang kamay upang pigilan ito. "Edmon, ibaba mo iyan. Ma, tama na! Ano ba!" Ngumisi ang babae at saka tumango. "Sige nga, sampulan mo nga." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Mabilis siyang napahawak sa tiyan sa takot sa maaaring gawin ng mga ito. "Huwag, Edmon! Ma, please, itigil mo na ito..." pagsusumamo ni Conrado sa babae. Kulang na lang ay lumuhod ito. "Umalis ka riyan, Conrado." Umarko ang mga kilay ni Trina. Mabilis na umiling ang lalaki. "Ma, buntis si Ahnia! Parang awa mo na, huwag mong sasaktan ang mag-ina ko!" Natigilan ang lahat nang isigaw iyon ni Conrado. Nasa likuran siya nito habang hawak nito nang mahigpit ang kaniyang isang kamay. Hindi naman nagawang magsalita ni Trina habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Kunot ang noo nito at m