Matapos ang ilang segundo ay muling tumayo si Conrado at lumabas na ng kuwarto. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ni Gado. "Maayos lang ba si Ahnia?" Mataman niya itong tinitigan bago tumango nang bahagya. Nagbuga naman ng hangin ang lalaki bago nagbaba ng tingin. "Patawarin mo ako, Conrado. Ngayon ay nadadamay kayo ni Ahnia sa problema ko." Lumabi siya at umiiling na nagpabalik-balik ng lakad sa loob ng kubo. Si Gado naman ay naupo sa silyang nasa tabi ng mesa. Halata ang pag-aalala sa mukha nito. "Kung ako lang ay ayos na sa akin, pero hindi ko matatanggap na madamay kayo ni Ahnia, lalo pa't magkakaroon na kayo ng anak." Natigilan sa paglalakad si Conrado bago naupo sa papag at isinuklay ang isang kamay sa buhok. Matapos ng mahabang segundo ay binalingan niya ang sariling t