Kabanata 13

1676 Words

HINDI mapigilang sumimangot ni Ahnia habang nakatitig sa nakatulalang lalaki. Kanina nang makabalik ito mula sa pakikipagtagpo kay Mariah, wala na itong imik. Hindi man lang siya nito kinibo o ano pa man. Diretso itong umupo sa papag at tila baliw na tumitig sa kawalan. Padabog niyang ibinaba ang kaldero matapos hugasan ang bigas na kailangan niyang lutuin. Nilingon niyang muli si Conrado ngunit hindi man lang ito natinag. Nakatulala pa rin ito at nakatitig sa labas. Nakagat niya ang ibabang labi. Bigla na naman niyang naisip ang babaeng si Mariah. Hindi niya mapigilan itanong sa sarili kung ano kaya ang ginawa nito sa binata at nagkaganito ang Kuya Conrado niya. Binuhusan niya ng gas ang uling na nabili at itinapon dito ang posporong sinindihan niya. Kahoy talaga ang gamit nilang panlu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD