Kabanata 27

1230 Words

"HAYOP siya! Hayop!" Ang mga salitang iyon ang bumungad kay Ahnia nang makapasok siya sa bahay ni Nadya at maabutan itong lumuluha habang nakaupo sa sahig. Matapos mabalitaan ang kalunos-lunos na nangyari sa lalaking si Soliman, nakaramdam siya ng pag-aalala para kay Nadya kaya agad niya itong pinuntahan. "Ate Nadya... " tawag niya sa pangalan nito matapos itong lapitan at hawakan sa magkabilang-balikat upang alalayang makatayo. Iginiya niya ito papunta sa hindi kalakihang kama ng babae at doon ay pinaupo ito. Mula sa lumuluhang mukha ni Nadya, naglandas ang paningin niya sa mga gamit sa loob ng kuwarto. Magulo ang paligid. Nakakalat sa sahig ang mga kagamitan at ilang damit ng babae. Pati ang salamin nito ay basag na rin. Hula niya ay hindi nito nakayanan ang balita at nagwala. "Ina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD