"CONRADO! Mag-iingat kayo!" sigaw niya sa lalaki. "Ano pa'ng hinihintay n'yo? Sundan n'yo sila! Patayin n'yo ang manananggal!" dumagundong ang tinig ng kaniyang ama sa mga tauhan nito. Mabilis na nagsitakbuhan ang mga tauhan nila upang sumunod kina Conrado at Gado. Naiwan naman ang iilan sa kanilang tabi. "Daddy! Daddy, kailangan natin makapasok sa mansiyon!" Mariing umiling ang kaniyang ama. "You're staying here, Ahnia! Kami na ang babalik doon!" "No, daddy!" matigas niyang pahayag sa ama. "Sasama ako! Nagawa ko na ito noon! Magagawa ko uli ito ngayon!" Hindi na niya ito hinintay pa na makapagsalita, mabilis siyang tumakbo pabalik sa mansiyon. Wala namang nagawa si Abrenico kundi sumunod sa anak. Sa pagkakataong iyon ay may iilang residente sa subdivision ang naglakas-loob at lumaba