INIHATID siya ni Akiro sa kaniyang bahay pagkatapos nilang mag-dinner. Nakasunod sa kanila sina Travis at Suzi. Hindi pa rin maalis sa kaniyang mga labi ang kaniyang ngiti dahil sa ginawa ng dalawa kanina. Nagpaalam din ang binata matapos siya nitong maihatid. Ganoon din si Travis pagkahatid kay Suzi ay umalis na rin ito. Napailing siya at tumingin sa kaibigan na nakabungisngis sa kaniya. "Haba ng hair mo, Vickierela! Dalawang guwapong lalaki ang nagkakandarapa para sa iyo. Iyong isa ginagamit ang beauty ko para makalapit. Iyong Isa naman ay ginagamit ang karisma para mapansin mo. Ang tanong ay kanino kayang puso ang makakabihag ng puso mo? Letter A ang lalaking minsan mong minahal o letter B ang lalaking laman pa rin ng puso mo?" Inirapan ni Vicky si Suzi. "Wala! Wala akong pipiliin s

