Kabanata 67: This I Promise You

2038 Words

NAKATAYO si Vicky sa harap ng fully length mirror habang nasa kaniyang tabi ang dalawa niyang kaibigan na sina Suzi at Shine. Nakasuot siya ng puting wedding gown na si Suzi mismo ang pumili para sa kaniya. Malungkot siya dahil wala ang kaniyang ina sa mismong araw ng kaniyang kasal. Ngunit sa kabila ng lungkot na nararamdaman niya ay alam niya na masaya ang kaniyang ina dahil pinili niyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal kay Travis. "Hindi ko pa rin inakala na pagkatapos ng mga nakakalokang mga nangyari ay aabot pa rin tayo rito," umiiyak na sabi ni Suzi habang nakasuot naman ng american suit dahil ito ang kasama niyang lalakad sa altar mamaya. "At hindi ko talaga inaakala na magsusuot ako ng ganitong klaseng damit. Kaloka! Gusto ko rin ng gown no!" Reklamo ni Suzi habang nakatingin sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD