PINAGMAMASDAN ni Travis si Vicky habang nagluluto ito ng kanilang almusal sa kusina. Nakasuot ang kaniyang asawa ng bathrobe at may hawak itong sandok. Napangiti si Travis habang nakatingin dito. Nilapitan niya ito at saka niyakap habang abala ito sa pagluluto. May nakakatuwang pumasok sa kaniyang isip habang inaalala ang kanilang unang gabi. Hinagkan niya ito sa batok habang nakayakap sa bewang nito. "Good morning, my labs." "Good morning..." Pinaharap niya ito at hinagkan sa mga labi. Kinindatan niya ito at saka niya ini-off ang kalan. "Travis, nagluluto ako ng---" "Sssh... magpapa-deliver na lang tayo. Kailangan nating makagawa kaagad ng anak, my labs." Tinawanan siya ni Vicky at saka ito umiling sa kaniya. "Mister Trinidad, kailangan ko lang ipaalam sa iyo na babalik na ako sa p

