KAPWA sila nakatingala sa langit habang nakahiga sa nakalatag na kumot sa may garden. Magkahawak ang kanilang mga kamay at nakatitig sa iisang direksyon. "Alam mo ba na may kuwento ang mga stars, my labs?" Kunot-noong tumingin si Vicky sa kaniyang asawa. "Ang dami mo na namang sinasabi, Travis." "Sinasabi nila na ang mga bituin sa langit ay hindi kailanman umaalis sa posisyon nila. Hindj sila nagbabago ng direksyon dahil hindi nila gustong malayo sa buwan." "At bakit hindi gustong lumayo ng bituwin sa buwan?" "Dahil mahal niya ang buwan at hindi niya gustong lumayo rito. Tignan mo naparami nilang nagmamahal sa buwan, my labs." "Ang O.A ng kuwento mo, Travis," aniya na nakatitig sa mga kumikislap na bituwin sa langit. "Totoo ang sinasabi ko, my labs. Alam mo ba na ikaw ang buwan sa l

